umaga
Ang sariwang pagtikim ng hamog ay kailanmang dadaloy sa isang masayang panaginip.
Ano mang linaw nang tubig na dinurangawan mo sa paglakbay, ito ay mapipilitang umanyo sa putik at batong hinihimlayan nito.
Marahil ito ay sa pagtikas ng bukang-liwayway, hahango ang dilim sa pagpilit ng langit na buksan ang iyong mga mata.
Ang bawat pagsaliw ng hangin ay musika, taglay ang damdaming pabagal-pabilis--pusong puno ng pagtawag sa pag-ibig nitong hinihintay.
Nagsisimula ng sumilip ang init ng hangin sa bintanang madamot sa liwanag.
No comments:
Post a Comment